pansin nyo super bihira ako magupdate? i've so much to tell kaso walang time. yeah believe it or not i am actually busy with work. naiiyak na ko minsan dahil ngarag.
the other week we went to san juan, batangas (still no picture!) and last saturday and sunday we were in baguio naman (wala rin akong pics pa. hintay ko pa from cliff). we went there saturday lunch time. kaming dalawa lang. pasalamat ko lang nde kami nag-aaway on the way kung nde, ang wirdo siguro na dadalawa na lang kami eh nde pa kami nag-uusap. it was raining hard in pangasinan but thankfully nagsurvive kami. papunta namin dun, nde pa kami sure like where we're gonna stay. may 3 option kami: kila cliff; isang officemate from sykes; and matulog sa daan sa loob ng sasakyan. pagdating na pagdating namin ng baguio, sa SM kami dumiretso hahaha as in. kasi si cliff nasa school pa and nde naman namin alam address ni bobby (from sykes). so we texted bobby and dun na lang kami nakitulog sa kanila kasi si cliffy nde namin mahagilap pa. ang lolo nagtatatawag ng 1am eh tulog na kaya kami nun. nga pala, wag na wag kayo pupunta ng baguio ng wala kayong dalang panlamig! potah. i went there with tshirts. as in no jacket or longsleeves shirt. it was tolerable but still malamig sya ha. anyhoo, paggising namin kinabukasan hayun sabak sa banyong malamig ang tubig! and nun ready na kami, sinugod na namin ang palengke at ukay-ukay ng baguio. grabe talaga. ang sarap magukay sa baguio. 5o pesos lang halos lahat. ang saya-saya. pumunta kami ng palengke para bumili ako ng broccoli at cauliflower na pasalubong sa tatay ko. bumili rin ako ng 12 roses para sa sarili ko. pathetic hahaha. bumili rin kami ng chocoflakes. the classic mikasa chocoflakes. bumili ako para sa bahay, si bobby bumili para sa ka-department nya, si bart bumili para sa chicks nya hahaha shet. ouch. joke! asan na ba ko? ah basta ang weird. masaya naman. nde na naman kami nagpaalam ni bart hahaha pag dating namin sa baguio i texted my mom and brother "andito lang kami ni bart sa SM. SM baguio" ang galing noh? si bart naman kinabukasan na nagtext. ako pa nga nagtext sa mom nya na "pauwi na ho kami". ang galing. super nakakapagod so nagpamasahe kami pagdating namin dito sa manila. ang sarap! kaya hayun...nde tuloy ako nakapasok kahapon. ang galing! natulog ako ng isang buong araw. hay life.
No comments:
Post a Comment