3.6.03

watched "Tanging Ina" last night with my officemates and yes...nag-enjoy ako. after a very stressful day at work and some chuva kabadtripan, pinaganda ng movie na yun tapos ng araw ko. super pagod nga lang coz medyo malayo rin nilakad-lakad namin plus commute lang ako pauwi the usual jeep-tricycle-jeep-tricycle byahe. buti na lang 24-hrs byahe along ayala and pasong tamo. pero astig talaga ang dami kong favorite na super tawa eksena. lalo na yung ginaya ni ai-ai si sharon sa madrasta. pati yung itsura ni ate shawie gayang-gaya nya! and aliw din si marvin agustin (yes ka-love team ni jolina before) kasi gayang-gaya nya yung nauubusang-hiningang-padedeliver-ng-line ni christopher de leon. you should watch it. kahit na nde kayo cheap katulad ko na nanonood ng tagalog movies sa sinehan. masaya kasi sya =)

No comments:

Post a Comment