23.1.03

Kanina lang...OK pa post ko eh noh...ngayon...medyo nabadtrip ata ako. Meron lang akong nabasa/nabalitaan...You know this thing na "what you do not know will not hurt you" Naiirita ako sa mga lalaki na akala nila tatanga-tanga yung mga girlfriend nila na tamang nde alam yung mga kalokohang pinaggagagawa nila. Minsan ang mga babae dead-ma lang talaga. Kunwari nde nila alam yung mga kalokohan nung boyfriend nila pero lola...alam na alam nila. Guys are bad at lying. Kung akala nila nakatakas sila...nde rin noh. Me photographic memory pa naman mga girls as in super matandain ng mga events plus magaling magtagni-tagni ng info...nakakabuo ng conclusion nde magiimbento ng kwento. Sana tigilan nyo na yun. Sana rin maging mabait na mga lalaki...wag na silang mag-two time. Kasi parang sinasabi nyo na nde na kayo happy sa kanya. Nde kayo satisfied. It makes us feel bad. Kasi parang naghahanap pa kayo ng iba eh. Kung ganun yung situation and gusto nyo talaga ng iba...eh i-letgo nyo na yung girlfriend nyo. Kawawa naman eh. Mga lalaki...hilig maghanap ng babaeng sosyalin (sorry kung me nagbabasa nito na sobrang sosyalin). Trophy girlfriend lang hanap. Hay...hell

Kaya ako...ayaw ko mag-invest ng feelings ko masyado. Ayaw kong pinapakita na apektado ako kasi sayang lang luha. Basta love ko yung tao...bahala na sya di ba kung aalagaan nya yun.

No comments:

Post a Comment